Advertisers
Nasayang ang buhay ng isang 18-anyos na dalaga nang tamaan ng bala ng “sumpak” na pinaputok ng nagra-riot na dalawang grupo ng kabataan sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Felyn Pelingon, Grade 7 student.
Sa ulat, apat ang naaresto at tatlo sa mga ito pawang mga menor de edad.
Isa pang lalaki ang nasugatan sa naturang pamamaril pero nakaligtas.
Sa kuha ng CCTV camera sa Barangay 102 sa Jacinto St., Tondo, Manila, 1:00 ng madaling araw na oras ng curfew, makikita ang pamamato ng isang grupo ng kalalakihan sa kanilang kalabang grupo.
Pero ang kabilang grupo, armado ng sumpak at nagpaputok.
Doon na tinamaan ang mga biktima na noo’y nakikipaglamay sa lugar na malapit sa pinangyarihan ng riot.
Apat na lalaki ang naaresto kinalaunan at nakuha sa kanila ang isang sumpak.