Advertisers
NIRATIPIKAHAN na sa Senado ang bicameral conference committee report ng panukala na layuning ipagpaliban ang unang regular elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Nabatid na 21 Senador ang bumoto at tanging sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Sen. Panfilo Lacson lang ang bumoto ng ‘No.’
Layunin ng mga panukala na maiurong sa midterm elections sa Mayo 2025 ang parliamentary at regional elections sa BARMM na nakatakda sa darating na Mayo.
Sinabi ni Senador Francis Tolentino, ang namumuno sa Senate panel sa bicameral conference committee, na ang mga probisyon sa ulat ay layuning mapabilis ang pag-unlad ng BARMM, gayundin ang pagkakaroon ng ganap na kapayaan sa rehiyon sa pamamagitan ng pagtatalaga ng maaasahan at mahuhusay na opisyal ng Bangsamoro Transition Authority (BTA). (Mylene Alfonso)