Advertisers
PORMAL nang inianunsyo ng Opposition Coalition na 1Sambayan si Vice President Leni Robredo bilang official candidate sa 2022 Presidential elections.
Sa media briefing, inianunsyo ni retired Supreme Court Justice Antonio Carpio ang pagkakapili kay Robredo bilang kandidato sa pagka-Presidente.
“We therefore ask VP Leni to accept our endorsement to lead the Filipino people in this difficult time in our history,” ani Carpio.
Naniniwala ang 1Sambayan na mananalo si VP Leni kahit na hindi ito top choice sa mga naglalabasang survey.
Ayon kay Carpio, nagsagawa sila ng internal survey at pinili ng mga convenor si Robredo base na rin sa kanyang track record, competence at integrity.
Paliwanag pa ni Carpio, hindi sila nagpapaapekto sa mga survey kahit na kulelat pa si VP Leni, dahil ang survey ay hindi reflection ng tunay na mananalo sa araw ng eleksyon.
“Surveys cannot dictate of what we will do. Historically speaking, survey is not reflective of the true winner,” ani Carpio.
Sakaling tanggapin ni Robredo ang nominasyon ng 1Sambayan, ay bibigyan siya ng kalayaan na pumili ng kanyang running mate, subalit kailangan din pasado sa mga convenor.
Naniniwala si Carpio na malabong hindi tanggapin ni Robredo ang nominasyon ng 1Sambayan.
Hinggil sa posibilidad na pagtakbo ni Sen. Antonio Trillanes bilang Bise Pre-sidente, ay hindi pa umano ito napag-uusapan, kahit na lumabas sa survey na top choice si Trillanes bilang Bise Presidente.
Una nang sinabi ni Robredo na hindi pa siya nakakapagdesisyon kung tatakbo bilang Pangulo, subalit bukas umano siya sa anumang usapin na pagbuklurin ang oposisyon na lalaban sa kasalukuyang administrasyon. (Jonah Mallari)