Advertisers

Advertisers

Bong Go suportado ng mga gobernador sa bansa

0 230

Advertisers

SUPORTADO ng grupo ng mga governors sa buong bansa ang vice presidential bid ni Senador Christopher “Bong” Go kasabay ng pangakong ikakampanya ang senador para sa nalalapit na eleksyon sa bansa.

Batay sa manifesto na inilabas ng grupo, umaabot na sa 51 mula sa 81 na mga gobernador ang nagpahayag ng paniniwala na mayroon nang sapat na karanasan at kaalaman sa public service si Senator Go dahil sa tagal nitong close aide ni dating Davao city mayor at ngayon ay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa grupo, kampante silang nauunawaan ni Go ang mga isyu na hinaharap nila sa kanila-kanilang mga lalawigan.



Ipinaliwanag pa ng grupo na sa mahigit dalawang taon pa lamang ni Go bilang senador ay na-institunionalized na niya ang Malasakit Center na isang proyektong sinimulan niya at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit ng grupo na dahil sa pagsisikap na ito ni Go ay naging abot-kaya ang healthcare sa pamamagitan ng one stop shop for medical at financial assistance.



Sa ngayon, mayroon nang 141 na Malasakit Center na maaaring lapitan ng mga mahihirap na kababayan sa iba’t ibang panig ng bansa.

Una nang tiniyak ni Go na ipagpapatuloy niya ang mga magagandang programa at reporma na nasimulan ng Duterte administration kabilang na ang mga infrastructure project sa ilalim ng Build Build Build. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">