Arjo inendorso ni Mayor Belmonte sa pagtakbong congressman; JC Garcia kaliwa’t kanan ang gustong mag-treat sa birthday
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
ASIDE sa suportado ng kanyang buong pamilya at ng girlfriend na si Maine Mendoza ang pagtakbo ni Arjo Atayde na kongresista sa first district ng Quezon City.
Ineendorso rin si Arjo ng Mayor ng Quezon City na si Joy Belmonte na kapartido. Yes, buung-buo ang tiwala ni Mayor Joy sa kakayahan ni Arjo na magsilbi sa bayan.
Nakita niya ang kabaitan at sinsero ng sikat at mahusay na actor (Arjo) nang mag-donate ito ng ilang unit ng service vehicles na na-distribute na sa iba’t ibang barangay sa unang distrito ng Kyusi.
Kaya nang mag-file ng kanyang COC o certificate of candidacy sa Comelec Office sa Intramuros, Manila ay sinamahan ni Mayor Joy si Arjo kasama ng mga magulang nito na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde.
Sa interview kay Arjo ay narito ang maikling pahayag ng mahusay na actor sa layunin niya sa pagtakbo sa 2022 national election. “Pagsisilbihan ko nang tapat ang District 1 ng Quezon City. Hindi ko lolokohin ang mga kababayan natin at ‘di ako magnanakaw. Let me be the catalyst of change,” say pa nito.
***
LAST September 30, nag-celebrate ng kanyang birtday ang international singer at online TV host ng BEST TV 31 ATC International na si JC Garcia. At tulad ng yearly celebration ay kaliwa’t kanan ang imbitasyon kay JC ng kanyang mga rich friends para mag-host ng kanyang party. Pero ang parating buwenamano na nagte-treat kay JC kasama ng kanilang circle of friends ay ang kapwa recording artist na si Yolanda Siracusa na makakasama niya sa kanyang Halloween Concert this Oct 30 sa Fort Mckinley Bar & Restaurant sa 101 Brentwood Drive, South San Francisco.
Another celebration of JC’s Birthday ay dinner with friends sa isang class resto in Sacramento California. Naki-party sa kanya ang Bff na si Gemma Franco Smith (recording artist of 80’s), Marlon Costes (nephew of late Bella Flores), Supermodel Anne Marie and Mila Pinkie Balani. Dumating din ang recording artist na si Ms. Milen Arceo and actor Josh Smith. Sa actual birthday ni JC ay naka-dinner nito ang kanyang brother na si Joey sa popular resto Sausalito, California na SPINNAKER RESTAURANT na sobrang sarap daw ng steak.
Samantala, nagkaroon din ng Birthday Celebration sa Online TV Show ni JC na “JC GARCIA LIVE” at marami ang bumati sa kanya rito mula sa iba’t ibang bansa.
Ang wish ng mga co-host nito na sina Direk Erwena Arguelles at Twinkle Wenceslao ay more success para sa show ni JC at career.
***
Poet Guru Loida Conte Single Parent Na Sa Dalawang Anak Na Lalaki, Inalala Ang 40 Days Ng Mister Na Si Boy Conte
Magdadalawang buwan nang namayapa ang husband ng mabait at generous naming friendship na si Loida Conte ng Bayonne New Jersey, USA.
Pero ngayon lang nagsi-sink in sa isipan ng aming BFF na POET GURU na wala na ang kanyang mister at siya ay single parent na sa dalawang anak na lalaki na sina Lester Glenn na isang achiever at Lawrence Grant na isang hardworking at mapagmahal na anak.
Yes, si Lawrence ang katuwang ngayon sa buhay ni Ms. Loy at itinuturing nila itong heaven gift ni Sir Boy.
By the way two weeks ago ay ginunita nina Friendship Loy ang 40 Days na kamatayan ni Sir Boy na nag-alay sila ng kanyang mga anak ng dasal at kumain silang pamilya sa favorite nilang Seafood Resto.
Abala rin ngayon ang aming Bff sa pag-aasikaso sa mga dokumento ng nasirang partner sa buhay kabilang na ang insurance nito, at ilang naiwan sa kanila. Para malibang ay bumibisita si Ms. Loy sa kanyang nurse sister na si Eileen, na nasa New Jersey rin.
Also she watches always my Vlog na all-out ang support niya sa inyong columnist.