Advertisers

Advertisers

Athena boto kay Bianca para sa utol na si Ruru; Carla pinayagan ng Siyete magpunta ng NY para bumili ng wedding gown at shoes

0 262

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

BOTO pala ang younger sister ni Ruru Madrid sa kanyang lovelife!

Inamin ng To Have and To Hold actress na si Athena Madrid na boto siya kay Bianca Umali bilang girlfriend ng kanyang nakatatandang kapatid na si Ruru.



Sa episode ng Mars Pa More kamakailan ay sinabi ni Athena na sa tingin ay forever na ang dalawa nang sumalang sa “Lightning Laglagan” segment ng programa.

“Sa nakikita ko sa kanila ngayon parang sobrang in love kasi sila sa isa’t isa e and kung paano sila magmahalan. Sobrang ramdam ko saka,’yon, gustong-gusto ko din si Bianca,” pagbunyag ni Athena, na kilala rin sa pangalang Rere, na sumali sa StarStruck Season 7.



Wala pa mang opisyal na pahayag sina Bianca at Ruru tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, hayagan naman nilang ibinabahagi ang kanilang nararamdaman sa isa’t isa sa social media.

Samantala, pagdating naman sa sariling love life, inamin ni Athena na may chance siyang ma-in love sa kanyang To Have and To Hold leading man na si Luis Hontiveros.



Kaya naman tanong ni Mars Camille, nanliligaw nga ba si Luis sa kanya?

Sagot ni Athena, sabay paliwanag, “Wala po, talaga sobrang tropa kami ni Luis and nasabi ko na may chance kasi kung paano niya ko i-treat sobrang gentleman. Hindi mahirap makatrabaho and, ayun, sobrang bait.”

***

UNTI-unting ipinapasilip ni Kapuso actress at bride-to-be Carla Abellana ang mga paghahanda para sa upcoming wedding nila ng longtime boyfriend at kapwa Kapuso star na si Tom Rodriguez.

Sa isang bagong vlog, ibinahagi ni Carla ang proseso ng pagbili niya ng kanyang wedding dress.

Dahil sa trabaho, tatlong beses daw siyang nagpaalam sa mga boss sa GMA Network bago mapayagang mag-abroad para mabili ang dream wedding dress mula sa kayang dream designer.

Naluluhang pinasalamatan ni Carla ang GMA Network sa permisong ibinigay nito para makaalis ng bansa si Carla.

“I thank GMA for allowing me, finally allowing me to fly. They may not know how important this is for me but thank you to GMA. I love it. I love it so much.

“I’m so happy,” emosyonal na pahayag ng aktres sa video na kinunan niya noong nakaraang Marso.

Tila raw nabunutan siya ng tinik ngayong napadali na ang isang parte ng kanyang wedding preparations.

“I’m so happy because it’s true when they say na parang nabunutan ng tinik ‘yung dibdib mo. Gumaan na ‘yung pakiramdam.

“Nawala na lahat ng stress, lahat noong iniyak ko, na pinagdasal ko. Sulit talaga. Super thank you. Alam ko parang mababaw but it’s really my dream, so finally tuloy na siya,” bahagi ni Carla.

Kasama ang kanyang nanay, lumipad si Carla patungong New York.

Nag-quarantine muna sila ng tatlong araw, bago namalagi ng dalawa pang araw sa New York para sa hanapin ang wedding shoes at gown ni Carla.

Kasalukuyang napapanood si Carla sa To Have And To Hold with Rocco Nacino and Max Collins  at si Tom naman ay malapit na ring muling mapanood sa November 15 sa The World Between Us with Jasmine Curtis-Smith at Alden Richards.