Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA isang buwan na mag-asawa nina Angel Locsin at Neil Arce, may mga natuklasan ito sa kanyang mister na now lang niya nalaman.
Tama pala raw ang mga kasabihan na makikilala ang lubos na pagkatao ng mahal mo kapag nagsama na kayo.
Hindi nga alam ni Angel na ganun pala ang kanyang mister at di nito sukat akalain.
Interesado naman ang followers ni Angel sa kanyang YT channel kung anu-ano nga ba ang mga bagay na kanyang natuklasan.
Ibinida at ibinahagi nito sa kanyang mga tagahanga kung ano nga ba ang kanyang mga natuklasan.
Isa na nga rito na may mga talent palang itinatago ang mister.
Shock si Angel dahil marunong pala itong kumanta at sumayaw.
Dagdag pa ang isa pa niyang natuklasan ay ang pagpupulot nito ng gamit ang mga daliri sa paa. At isa naman ito sa challenge na ipinagawa ni Angel sa kanyang mister na si Neil.
***
NAGLINIS at nagbura si Yen Santos ng mga larawan nito matapos na maintriga sila ni Paolo Contis na magkasama sa Baguio sa kanyang socmed.
Kapansin-pansin na bigla ito nanahimik sa lahat ng kanyang social media account.
At sa pagbabalik para sa kanyang IG account, pansin na nagpagupit ito ng maikling buhok.
Inamin nito na dahil sa color pink ay napabalik din ito sa kanyang socmed.
Ang kulay pink naman ay political color ni VP Leni Robredo para sa kanyang candidacy sa pagka-Pangulo ng bansa.
Nagsuot ng pink si Yen bilang suporta kay VP Leni na siya nga raw dahilan kung bakit napabalik ito sa kanyang socmed.
Nagpahayag nga lang daw ng suporta si Yen sa gusto nitong Presidente sa darating na 2022.
Kahit si Angelica Panganiban ay nag-post din na naka-color pink pero may isang basher na inokray ito kaya niresbakan naman ng aktres.
Well, well, well…’Yun na!