Advertisers

Advertisers

Mga magpapabakuna milyones papremyo, health workers nganga!

0 3,658

Advertisers

TILA KA-IPOKRITUHANG maituturing ang inisyatiba ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) sa pagbibigay papremyo ng milyong salaping susuwertehin sa raffle para sa lahat ng magpapabakuna.., gayung ang mga health workers ay “NGANGA” sa paghihirap ang kani-kanilang mga pamilya dahil hinde pa rin naipagkakaloob ang mga benepisyong dapat nilang makamit.

Bukod sa paghihirap ng mga HEALTH WORKER mula sa mga ahensiyang GOVERNMENT OWNED AND CONTROLLED COMPANY (GOCC) ay kinaltasan pa ng P1 bilyon para sa kanilang magiging 2022 budget.

Bunsod nito, ang ALLIANCE OF HEALTH WORKERS (AHW) ay nagdaos ng kilos-protesta kamakalawa ng tanghali upang makalampag ang mga kinauukulan na nagsisilbing pahirap sa kanilang sektor.



Sa pagpupunto ni AHW NATIONAL PRESIDENT ROBERT MENDOZA, ang pagtapyas sa pondo ng PHILIPPINE CHILDREN’S MEDICAL CENTER (PCMC), LUNG CENTER OF THE PHILIPPINES (LCP), PHILIPPINE HEART CENTER (PHC), at sa NATIONAL KIDNEY AND TRANSPLANT INSTITUTE (NKTI) ay lubhang makaaapekto umano ang kanilang mga magiging MAINTENANCE AND OTHER OPERATING EXPENSES (MOOE) para sa susunod na taon.

Sa pagtapyas ng mga pondo ay ang PCMC ang may pinakamalaking bawas na P891 milyon, sunod ang LCP na P100 milyon, ang PHC na P28 milyon at ang NKTI naman ay P8 milyong kaltas sa pondo.



“This government is inhumane and has no compassion for the health and lives of the people, especially the vagrants and destitute who cannot afford to pay heavily for their hospitalization,” saad ni Mendoza.

Pero.., bakit nga ba kakaltasan pa ng pondo ang mga nabanggit na ospital gayung lahat naman ng mga ospital ay.kumikita dahil wala namang pasyenteng libre ang pagpapagamot? Kahit mahirap ang pasyente at walang maipambayad ay hinde pa rin libre dahil ang pambayad sa mga iyan ay sinasagot ng PHILHEALTH, PAGCOR, PCSO o kaya ay ang MALASAKIT CENTER na itinatag ni SENATOR BONG GO.



Nasaan ang kinikita ng mga nabanggit na ospital na dapat ay ginagamit sa hospital operations at sa benepisyo’t pampasuweldo sa lahat ng hospital workers.., o baka may katotohanan ang alegasyon sa maanomalyang pamamalakad ng mga government officials?

Lalo ngayong panahon ng COVID-19 PANDEMIC na punuan ng pasyente ang mga ospital ay indikasyong kumita ng limpak-limpak na salapi ang mga ospital.., mapa-pribado o government hospital ay kumita ng limpak na salapi na tila ang kontrobersiyang sinisiyasat ng SENADO ay may koneksiyon sa CORRUPTION ng mga nasa poder ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE?

Mga anomalyang sumasambulat na sa sambayanan ay pilit namang sinasagkaan at ginigipit pa ang mga nagsisiyasat.., kaya naman, may mahigit na 300 PHYSICIANS, past at present HEALTH LEADERS kasama ang 5 dating HEALTH SECRETARIES ang lumalantad na para gibain ang pagtatangka ni PRES. DUTERTE na maharang o mapatigil ang SENATE INVESTIGATIONS hinggil sa umano’y kaanomalyahan sa COVID-19 RESPONSE FUND.

Ang mga GOVERNMENT HOSPITAL ay kumikita lalo ngayong panahon ng pandemya dahil punuan ng mga pasyente.., subalit, ang mga karagdagang benepisyong ipinangako na ibibigay bilang insentibo sa pagsasakripisyo ng mga health worker ay nananatiling pangako.

Sa kampanya ng gobyerno para mahikayat ang lahat ng tao na magpabakuna ay nakapag-laan ng P3 milyong papremyo para sa gagawing raffle sa mga nakipagpartisipa sa pagpapabakuna.., pero, ang pangangailangan ng mga health workers ay hinde maipagkaloob.

Lumalabas.., IPOKRITO ang mga GOVERNMENT OFFICIAL.., ipinangpo-pronta ang MALASAKIT SA KALUSUGAN KONTRA COVID pero ang sarili nilang kapamilya o ang mga HEALTH WORKERS ay ipinagkakait naman ang mga benepisyong pampalubag sa kanilang mga pagsasakripisyo.., resulta, marami sa HEALTH WORKERS ang tuluyang nabuwisit sa sistema at nagsipagtrabaho na lamang sa ibang bansa!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.