Advertisers

Advertisers

Riot gabi-gabi ng mga kabataan ‘di mapigilan

0 575

Advertisers

MALAKING problema sa komunidad maging sa lipunan ang gina-gawang bulabog at abala ng mga grupo ng kabataan na halos gabi-gabing nag-eenkwentro’t nagra-riot sa gitna ng kalye sa Tondo, Manila.

Nagdudulot ng pangamba ito sa mga residente na madalas na naga-gambala sa kanilang tulog sanhi ng ingay dulot ng hidwaan ng mga kabataang ito na madalas na nagaganap ng diyes-oras ng gabi at madaling-araw.

Sino ba naman ang hindi magigising sa lakas ng pagsabog ng mga pill box na hinahagis ng mga ito. Maliban dito ay makikita pa ang pag-ulan ng mga bato at boteng binabalibag ng mga grupong ito na nag-iiwan ng sangkatutak na bubog sa kalye kinaumagahan.



Ang ganitong kaganapan ay halos gabi-gabing nangyayari sa kahabaan ng Solis st, malapit sa panulukan ng Molave st, sa 2nd district ng Tondo, Manila.

Ilan beses na daw dinulog ng mga residente ito sa kapulisan partikular na sa Manila Police District-MPD-PS7 at Hermosa police detachment na nakakasakop ng nasabing lugar nguni’t dedma lang umano ang mga ito.



Puro paasa at pangako lang na pupuntahan daw at gagawan nila ng aksiyon ang dinulog na reklamo nguni’t hanggang sa kasalukuyan ay walang nangyari at walang lumutang na pulis o maging anino man lang nila.

Maging ang mga Barangay na may hurisdiksiyon sa lugar na ito ay wala ring silbi at mistulang inbalido. Mga manhid, bulag at puro tengang kawali lang umano ang mga kawani ng mga barangay dito lalong-lalo na ang mga chairman sampu na ng mga kagawad at mga tanod.



Hindi ba’t may kasabihan tayong ” pulis at barangay nagkakaisa para sa tao”, pero pawang kasabihan lang ito at walang nagiging kaganapan, drawing lang ang lahat.

Sa situwasyong ito na walang nagiging aksiyon ang MPD-PS7 sa Jose Abad Santos Avenue at mga barangay sa nasabing lugar, gusto naman sanang subukan ng mga residente na idulog at panawagan ang kanilang problema kay MPD-District Director Gen. Leo Francisco.

Malaki daw ang kanilang tiwala at taos-pusong umaasa na hindi sila magiging luhaan sa paglapit nilang ito kay Gen. Francisco hinggil sa kanilang problema. NAMAN… ‘di ba Gen.?

MGA PAMOSONG TRABAHADOR NG MANILA POLICE DISTRICT (MPD)

Bukod-tangi at kakaibang klaseng pamamalakad ang pinapamalas ng dalawang pulis na ito ng Manila Police District (MPD) hinggil sa pagsugpo ng kriminalidad at illegal vices sa buong lungsod ng Maynila.

Ang kanilang kredibilidad ay ang basehan kung kaya’t sila ay nabi-bilang sa ilan na mga pulis na natagurian mga pamosong trabahador ng MPD.

Ang dalawang ito ay sina Sgt. Totoy Lopa at Sgt. Gabo Mandap na ilan lang sa mga trusted ni MPD-District Director Gen. Leo Frncisco partikular na sa pagsugpo ng kriminalidad at illegal vices sa buong lungsod.

Ang kanilang tandem ay mas kilala sa tawag o bansag na L& M na insyal ng kanilang mga apelyido.

Kung sa mga kapulisan ay may mga DEPUTY, si Lopa at Mandap naman ay mga DEPUTWO O DEPU-2 na lumalabas na second to the highest in rank sa presinto man o departamento. Ang dalawang ito naman ay hindi mga opisyal at ordinaryong mga pulis lang nguni’t may malaking responsibilidad na pinanghahahawakan inatang sa kanila ni Gen. Francisco.

Rekta sila kay General kung kaya’t depu-2 rin silang maituturing. Sila bale ang over all in charge o PANGKALAHATAN sa larangan ng any police matter partikular na sa INTELLIGENCE sa buong lungsod.

Silang dalawa ay masasabi na rin mga alamat sa kanilang propesyon bilang mga alagad ng batas, mga title holder din at may iniwanang trivia.

Kinakatakutan din ng mga masamang elemento ang dalawang ito na kung kaya’t sambitin mo pa lang ang kanilang mga pangalan ay nanginginig na ang maski na sinong nasa illegal.

Tumatak din sa isipan ng mga ito na hindi nagbibiro sila L&M at siguradong may paglalagyan sila kung mananatili silang maangas at pasaway.

Ang dalawang ito ay nabibilang rin sa mga naging highest pointer na mga player at mga totoong trabahador ng MPD.

Iba rin ang legacy nilang iniwanan na tumatak sa isipan ng marami lalo na sa makukulit at mga taong matitigas ang ulo ayaw magpasaway.

Sa karkulasyon ng mga kapuwa nila mga eksperto, ang dalawang ito ay nag cool-off na sa kanilang dating tradisyon. Maaari rin na nagba-bawas na rin ng kanilang… dahil iba na rin ang nagkakaedad, matic na nawawala ang dating pusok at pagka-agresibo, ewan din natin he he he

Iba na rin ang mga tindig nila, mistulang mga kerubin pero kinubli lang siguro for the meantime ang kanilang mga buntot at sungay, waiting kumbaga for the proper time… he he he… anyway kudos and good luck to both of you, mabuhay!!