Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
NANG ipinabasa kay Andrea Torres ang summary ng kuwento, hindi raw siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role bilang Cindy sa BetCin.
“Ang ganda po ng story. Ang ganda talaga ng story. Ang daming nangyayari.
“Matatawa ka, maiiyak ka. ‘Tapos, gusto ko rin na you will root for them. Accepted silang dalawa. Mahal sila ng mga tao. Parang feeling ko lang, ang gandang pag-represent sa mga ganoong klaseng relationship.
“At doon mo makikita na wala naman talagang pagkakaiba. Pare-pareho lang ang relationship. Pare-pareho lang tayong magmahal. Ang ganda ng message ng script, nakaka-proud.”
Ang writer at director ng BetCin ay si Shugo Praico.
Binabasa pa lang daw ni Andrea ang script ng BetCin ay nae-excite na siya.
“Actually, summary pa lang ang nababasa ko, binigyan ako ng summary per episode, nag-yes na ako kaagad. Sabi ko, gusto kong gawin iyan. Kahit noong tinanong nila ako kung ano ang limitation mo, parang I said na, ‘Wala!’ Wala akong limitation.’
“Na-in-love talaga ako sa role at saka sa message ng BetCin.”
Nakita rin niya kung paano in-embrace ni Kylie ang character nitong si Beth.
“Ang galing lang na nang mag-reunite kami, ganito na ang mga roles na ginagampanan namin. At saka kasi, siguro alam ko rin na malalim na tao si Kylie. Alam ko na kakarerin niya ito.
“So lalo akong na-excite kasi alam kong ibibigay niya rin ang lahat sa role. At type na type niya rin ang role niya.
“Nagpagupit pa siya. Ang guwapo niya sa series. Sabi ko nga sa kanya, ‘Ang guwapo mo naman, Kylie.’ Iyong pormahan niya roon.”
Sa kanilang dalawa, si Kylie raw ang mas strong ang karakter habang si Andrea ay kikay at mahilig sa social media.
Kung ikukumpara raw si Cindy sa totoong siya, para kay Andrea, wala raw halos pagkakatulad.
“Alam ng mga friends ko iyon, may pagka-manang ako. Hindi ako techie, ayoko ng masyadong dino-document lahat. Pero si Cindy kasi ganoon, parang bawat kilos, talagang iba-vlog niya, ipo-post niya.
“And I think, iyon ang naging isyu ni Beth, yung role ni Kylie. Hindi niya makita kung ano ang totoo o kung ano ang image nilang dalawa. Nawawala na yung sincerity.
“And actually, isa rin iyon sa reason kung bakit ko tinatanggap. Na matatap nila dahil nagiging issue talaga siya ngayon. Di ba, kapag masyado tayong ma-social media? Parang may mabasa lang tayo, buong araw natin affected or kaya hindi na tayo nakakapag-bond with our family and friends kasi, mari-realize mo, ilang oras ka na palang nasa phone.”
Isang mini-series na may walong episodes ang BetCin na mga bida sina Andrea at Kylie Padilla.
Palabas ito ngayong Oktubre 15 sa WeTV at iFlix.
***
SA panahon ngayon na uso ang lipatan, partikular ng mga artist ng ABS-CBN na lumilipat sa GMA, tinanong namin si Bryce Eusebio na bagong kare-renew lamang ng kontrata bilang isang Kapuso at GMAAC (GMA Artist Center) artist kung ano ang nararamdaman niya kapag may mga bago siyang “kapatid” sa GMA.
“Ako po I feel very happy po for GMA,” umpisang sinabi ni Bryce.
“Kasi siyempre mas marami pong mga dumadating na mga ‘bala’ nila.
“And para sa akin naman po, I feel a little bit pressured kasi siyempre tumataas din po yung kumpitensya so I put the pressure into myself to work harder on my craft, to really work hard and to always make myself better, every second, every day, everytime. Iyon po, para mag-standout din po ako.”
Malapit nang mapanood si Bryce sa I Left My Heart In Sorsogon.