Advertisers

Advertisers

Face-to-face classes sa NCR puede sa Alert 2 – Malakanyang

0 279

Advertisers

MAY posibilidad na magkaroon ng face-to-face classes sa Metro Manila ayon sa Malakanyang.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay kung patuloy na bababa na ang kaso ng COVID-19 at ibaba na sa Alert Level 2 ang Metro Manila.

Kahit kasi aniya nasa Alert Level 3 na ang Metro Manila, maituturing pa ring mataas na antas ito ng classification.



Ganunpaman, may ilan na namang kurso ang nagsasagawa na ng face-to-face classes sa mga kursong may kaugnayan sa health sciences at engineering pero sa mga lugar na mabababa ang kaso ng COVID-19.

Ayon pa kay Roque, magiging unti-unti rin naman ang pagdaragdag ng kursong magbubukas sa hinaharap na dedepende sa pagbaba pa ng kaso ng virus.