Advertisers
PORMAL nang inanunsyo ni presidential aspirant Senator Manny Pacquiao ang kanyang initial senatorial slate para sa 2022 national elections.
Kabilang sa senatorial slate ni Pacquiao sina Senators Juan Miguel Zubiri at Joel Villanueva, dating senators Chiz Escudero at Loren Legarda, dating vice president Jejomar Binay, ang mamamahayag na si Raffy Tulfo at dating Eastern Samar governor Lutgardo Barbo.
Kasama sila ni Pacquiao na tatakbo sa ilalim ng Probinsiya Muna Development Initiative (Promdi), isa sa mga political organization sa ilalim ng MP3 alliance.
Matatandaang Oktubre 1 nang maghain ng kanyang kandidatura sa pagkapangulo si Pacquiao sa Harbor Garden Tent sa Pasay City kasama ang kanyang ka-tandem na si Buhay Party-list Rep. Lito Atienza na tatakbo naman sa pagkabise-presidente.