Advertisers

Advertisers

3 presidentiables, running mates panis sa Lacson-Sotto tandem

0 124

Advertisers

PATULOY ang pag-arangkada sa survey ng tambalan ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson at running mate niya na si Vicente “Tito” Sotto III, para sa pagkapresidente at bise presidente sa 2022 national elections dahil ng mas tumibay na suporta ng publiko sa kanila.

Batay sa Pulso ng Pilipino survey na ginawa ng Issues and Advocacy Center (IAC), sina Lacson at Sotto ang pangalawang tandem na pinakapinipili ng mga botante para umupo bilang presidente at bise presidente sa susunod na anim na taon.

Nakuha ng dalawang batikang mambabatas ang rating na 21 porsyento mula sa mga kalahok na kinuha sa Luzon, Visayas, Mindanao at National Capital Region. Ginawa ang survey sa 1,200 na mga kalahok mula Nobyembre 16 hanggang 20, kasunod ng deadline para sa paghahain ng substitution ng mga kandidato sa May 9 election.

Sa naturang survey, naungusan nina Lacson-Sotto ang team ni Leni Robredo-Francis “Kiko” Pangilinan (15%); Manny Pacquiao-Lito Atienza, Isko Moreno-Doc Willie Ong (11%); at pinakahuli ang tambalan nina Ka Leody De Guzman-Walden Bello (2%).

Sa kabila nito, nauna nang sinabi ng Partido Reporma presidential candidate na hindi ito nakapokus sa mga resulta ng survey at sa halip ay binibigyan ng tuon ang pagbibigay ng solusyon sa mga umiiral na problema ng bansa.
Nagpapasalamat din si Lacson sa effort na ginagawa ng mga volunteer na tumutulong para maipakilala ang kanilang mga plataporma sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Dahil sa tuloy-tuloy na “Online Kumustahan” nina Lacson at Sotto, na ang layunin ay malaman ang opinyon ng mga lokal na lider at residente para sa mas maayos na pamahalaan, inaasahan na patuloy pa ang pang-angat ng dalawang mambabatas na may pinagsamang 42 taon ng pagsisilbi sa Senado.

Bilang chairman ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation nagpunta rin si Lacson Pag-asa Island, bahagi ng Spratlys archipelago, para malaman ang mga pangangailan ng 193 sibilyang naninirahan sa isla.

Nilinaw ni Lacson na hindi ito bahagi ng kanyang kampanya dahil matagal na siyang nakikipaglaban para sa soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Ang pagkakaroon ng ‘balance of power’ ang isa sa mga hinahaing solusyon ng mambabatas para sa isyu ng agawan sa teritoryo.

Dahil naman sa napapabalitang pagkakaroon ng troll army at impluwensiya ng ka-tandem na si Duterte, nanatiling nasa taas si Marcos, Jr batay sa nabanggit na surbey.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More