Advertisers
CENTRAL MINDANAO – Isinampa na sa korte ang kasong double murder at pagnanakaw laban sa mga salarin na brutal na pumatay sa magkapatid sa M’lang Cotabato.
Nakilala ang mga salarin na sina alyas Kristine at isang sakristan na mga residente ng Kidapawan City.
Masaya ang mag-asawang Cruz at Lovella Maguad dahil naisampa na sa Regional Trial Court (RTC-12) sa Kidapawan City ang kaso laban sa magkasintahang salarin.
Malungkot naman sila dahil sa matagal na proseso para makamit ang katarungan kina Crizzle Gwynn at Crizvle Louis.
Hiling lamang ng mag-asawa sa pamahalaan na sana mapabilis ang hatol o parusa sa mga salarin.