Advertisers

Advertisers

Bilibid jailbreak: 3 umeskabo, 4 sugatan

1 sa tumakas bulagta

0 271

Advertisers

SUGATAN ang apat na katao kabilang ang tatlong prison guard ng Bureau of Corrections (BuCor) nang tumakas ang tatlong preso sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City Lunes ng madaling araw.

Sanhi ng mga tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril, nilapatan ng lunas sa Ospital ng Muntinlupa ang mga biktima na sina CS01 Angelito Marquez, 57; C01 Mark Joseph Pesons, 29; C01 Jancy Dagones, 26; at ang inmate na living out na si Michael Dullavin, ng Minimum Security Compound.

Naglunsad ng hot pursuit ang BuCor at pulisya laban sa mga tumakas na preso na sina Pacifico Adlawan, convicted sa mga kasong Frustrated Homicide at paglabag sa Section 15, Article II, R.A. 9165; Arwin Bio, nahatulan sa kasong Murder at Attempted Murder; at Drakilou Falcon, ang kaso naman nito Robbery with Homicide, pawang nakakulong sa Dorm A.



Sa ulat na isinumite ng Muntinlupa City Police sa tanggapan ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, director ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente ala-1:00 ng madaling araw sa Maximum Security Compound ng NBP malapit sa Gate 4 ng naturang bilangguan.

Nabatid na nilagare umano ng tatlong preso ang rehas ng kanilang pinagkukulungan dahilan upang makatakas ang mga ito at kaagad itong napag-alaman ng mga nakatalagang prison guard.



Nang tinutugis ng mga prison guard ang mga pumugang preso dito na umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril.

Hanggang sa tinamaan ang mga biktima, na may baril din ang mga puganteng preso na kung saan nakipagpalitan ng putok ang mga ito.



Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.

Samantala, patay ang 1 sa 3 presong tumakas na hindi pa pinanglanan nang mauwi sa barilan ang manhunt operation na ikinasa laban sa mga ito.(Gaynor Bonilla)