Advertisers

Advertisers

2 pekeng dentista, arestado

0 96

Advertisers

Arestado ang dalawang pekeng dentista sa dalawang magkahiwalay na entrapment operations ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Kinilala ang mga naaresto na sina Andrea Besquillo, 23, residente ng Brgy. Maya, Balasan, Iloilo; at Adrian Lopez, 23, residente ng Tabuc Suba, Jaro ngunit nag-o-operate sa Barangay Rizal Estanzuela, Iloilo City Proper.

Ayon kay Police Major Jess Baylon, chief ng Regional Special Operations Unit ng CIDG Region VI at chief ng CIDG – Iloilo City Field Unit, na hindi rehistradong dentista o dental hygienists ang dalawa ngunit naglalagay ng braces sa kanilang mga kustomer.



Sa report, mayroong mini-clinic si Besquillo sa kanilang lugar sa Balasan, Iloilo.

At pumupwesto lang si Lopez sa barung-barong sa Rizal Estanzuela at pinapaupo lang nito sa silya ang kanyang kustomer at walang sinusunod na protocol at hindi rin sanitized ang lugar.

Ayon pa sa ulat, China-made din ang karamihan sa mga equipment na nakumpiska.

At nasa P5,000 hanggang P10,000 lamang ang kanilang singil sa kustomer.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9484 o Philippine Dental Act of 2000 ang mga suspek.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More