Advertisers

Advertisers

10 pulis pikon sa basketball nambugbog ng binata

0 131

Advertisers

CAUAYAN CITY – Isang lalaki ang binugbog ng halos 10 pulis na kanilang nakalaro sa basketball sa San Fabian, Echague, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Jayson Macutay, 21 anyos at residente ng residente ng San Fabian, Echague, Isabela.

Ayon kay Macutay, na nauna rito noong January 19, 2022 ay magbabasketball sana silang magbabarkada para magpapawis nguni’t dumating ang grupo ng mga pulis at inaya silang magbasketball na kanilang sinang-ayunan.



Una pa lamang anya, agresibo nang maglaro ang mga pulis at naamoy ng mga kasama ni Macutay ang isang pulis na amoy alak nguni’t pinagpatuloy nila ang laro.

Sa simula pa lamang hindi naging maganda ang laro ng mga pulis dahil ilan sa kanila ang nanunulak nguni’t dahil sa laro lamang ipinagpatuloy pa rin nila ito.

Na-foul at naipit ang isang pulis na si PCapt. Teresito Calimposan Jr., Commanding Officer ng 205th Manueuver Company ng Regional Mobile Force at pagtalikod ni Jayson ibinalibag sa kanyang likuran ang bola dahil para suntokin niya ang naturang pulisya .

Dito na siya pinagtulungan ng halos 10 pulis at sinabihan siyang hepe nila ang kanyang sinuntok.

Hinawakan si Macutay at pinagbubogbog ng mga naturang pulis.

Hindi gumanti si Jayson at naramdaman na lang niyang masakit ang kanyang mga braso, tagiliran, mukha at ang pinakamasakit ang kanyang ulo hangang hindi na alam ang mga sumunod na pangyayari.



Batay sa medical certificate na inilabas ng Echague District Hospital, nagtamo ang biktima ng Contusion hematoma secondary to mauling.

Nagharap sila Jayson at tanging si Captain Calimposan at isang pulis ang humarap sa biktima at nais nilang makipag-areglo.

Nanindigan si Macutay na sampahan ng kaso ang mga pulis na nambugbog sa kanya dahil hindi biro ang ginawa sa kanya ng mga ito.

Sa ngayon, nagpapagaling ang biktima na sa pagamutan.

Samantala, inihayag naman ni Captain Teresito Calimposan Jr., na humingi siya ng paumanhin sa ginawa ng kanyang mga tauhan sa biktima

Ayon kay Captain Calimposan, noong naglalaro sila ng basketball natapunan niya ng bola si Macutay at nabigla siya ng sinuntok na siya sa ulo.

Naging dahilan ito upang bugbugin din ng kanyang mga tauhan si Macutay ngunit kanya inawat.

Sinabi niya na dumayo sila sa San Fabian, Echague, Isabela dahil taga roon ang kasamahan nilang pulis na may birthday at napagkasunduang magpapawis sa pamamagitan ng basketball bago kumain.(Rey Velasco)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More