Advertisers
ARESTADO na ang pumatay sa mag-iina noong Miyerkoles ng pulisya ng San Jose (Carabao island), Romblon.
Kinilala ang salarin na si Patrick Rufino Cahilig, 35 anyos, isang karpintero.
Ayon kay Romblon Police Provincial director Col. Reynold Rosero, isa sa naunang apat na persons of interest sa kaso si Cahilig.
Ani Rosero, tatlo ang motibo na kanilang tinitingnan sa krimen. Ito ay ang crime of passion, alitan, at pagnanakaw dahil nawawala ang wallet ng biktimang si Weilyn Mendoza, 29.
Sa ulat, tinanggal si Cahilig ng biktima bilang trabahador sa kaniyang pinapagawang bahay.
Dinakip si Cahilig nang positibong ituro ng isang testigo na nakita niyang lumabas sa bahay ng mga biktima. Ang testigo ay anak ng kinakasama ni Cahilig.
Kinasuha nitong araw ng Lunes ng ‘3 counts of murder’ si Cahilig sa pagpatay kay Mendoza at sa kaniyang 2 anak na may edad 9 at 7 anyos.
Wala pang ibinibigay na pahayag si Cahilig sa pulisya.