Advertisers

Advertisers

Shabu, baril at iba pa itinapon sa checkpoint

0 196

Advertisers

ITINAPON na lamang ng mga suspek ang kanilang dalang shabu at baril sa Comelec Checkpoint sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director, Colonel Jibin Bongcayao, itinapon ng riding in tandem ang kanilang dalang paper bag sa gilid ng kalsada malapit sa PNP Checkpoint sa Barangay Poblacion Mangudadatu, Maguindanao.

Nang buksan ng mga pulis ang paper bag, ito ay naglalaman ng isang uzi assault sub machine pistol, isang magazine, 2 pakete ng shabu at drug paraphernalias.



Sinabi rin ni Mangudadatu Chief of Police, Lieutenant Ramillo Serame ,na ang mga suspek ay papasok sana sa bayan ng Mangudadatu mula sa Tantangan, South Cotabato.

Malaki ang paniniwala ni Serame na posibling ihahatid sana ng mga suspek ang dala nilang droga sa bayan ng Mangudadatu ngunit nang makita ang PNP Checkpoint ay itinapon na lamang nila ang paper bag at tumakas.



Pinaigting pa ng Mangudadatu PNP ang kanilang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations o SACLEO upang mapigilan ang pagpasok ng anumang krimen sa bayan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">