Advertisers
INIIMBESTIGAHAN na ng Department of Justice (DOJ) ang isang TikTok user na nagbantang itutumba si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Ayon kay Atty. Charito Zamora, Officer-in-Charge ng DOJ – Cybercrime Division, seryoso ang naturang isyu kaya’t inatasan na niya ang tanggapan ni Kerri Woods ng TikTok Law Enforcement Outreach na tutukan ang insidente.
Pinasisiyasat narin ni Zamora sa NBI-Cyber Crime Division at nagpatulong sa PNP-ACG (Anti-Crime Group) upang imbestigahan ang banta ng TikTok user.
Nadiskubre, aniya, nila ang bantang pagpatay kay Marcos nang makatanggap ng tip ang kanilang tanggapan na may kumakalat na post sa naturang social media platform.
Inihayag naman ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ng dating senador, na magpapatuloy ang campaign activities nito sa kabila ng banta.