Advertisers
DAHIL sa dedikasyon ay malayo na ang narating sa larangan ng basketball ang kaibigan ng lahat sa cage community na si Ray Alao.
Si Ka Ray na laking Maynila sa Paco kung saan ay unang nagkapangalan sa basketball ay isang personahe na di kakikitaan ng pagbabago at ere kahit na tumatamasa ng blessings sa naturang sport na pinakamalapit sa kanyang puso.
Ang kanyang tindig at pisikal na aspeto ay ‘matic na bilang manlalaro ng basketball kung saan ay ang husay nito ay outside shooting na kapag bumitaw siya ng long toms noon ay halos ‘ matic mo nang ilista sa scoreboard ,pati na rin sa paint area.
Kahit na nasa high position siya sa isang luxury car company sa EDSA noon ay di pa rin niya iniwan ang larangan ,player,coach,organizer hanggang sa pagiging opisyal ng mga sumisibol na ligang commercial,regional basketball leagues.
Biniyayaan din siya ng supling na future stars sa basketball.sa bansa, si Airness at Mur Prince na household names na sa collegiate leagues at pakitang gilas na rin sa mga international cage competitions.
Kaya nga pag tinapik sila ng kanilang coaches ay awtomatik ang high performance sa hardcourt ng Alao siblings na suportado at todo gabay ng kanilang butihing inang si Mariel at sister.
Si Ka Ray Alao ang kasalukuyang VP ng Pilipinas Super League katuwang ni PSL president Rocky Chan.
Siya rin ang manedyer ng powerhouse at champion team Davao Occidental Tigers COCOLIFE.
Kaya pag basketball performance in and out of the playing court ang pag- uusapan ALAOtomatic na iyan…di ba bro boss OTEP Ronquillo ng Cocolife ?!MISMO!