Advertisers
Nakiisa si Mayoralty bet Atty. Alex Lopez sa ating mga kapatid na Muslim upang ipagdiwang ang Eid’l Fitr nitong ika-2 ng Mayo, 2022.
Ipinagdiriwang ang Eid’l Fitr bilang pagtatapos ng Ramadan.
Mainit na tinaggap si Atty. Alex sa pagtitipon sa Manila Golden Mosque and Cultural Center sa Quiapo, Maynila. Ito ang patunay na lalong lumalakas ang suporta ng mga Muslim community sa Manila sa kandidatura ni Lopez.
Ayon kay Admin. Sultan Omar Sarip Pumbaya, na 98 porsiyento ng mga kapatid na Muslim ang patuloy na sumusuporta sa kandidatura ni Atty. Lopez para sa pagka-Mayor ngayon 2022 May 9 election.
Noong nakaraang buwan, nakiisa din si Lopez para sa paghahanda sa Ramadan, kung saan nakasabay nito si Senadora Imee Marcos.
Ipinahayag ni Atty. Lopez na bibigyan niya ng pansin ang mga pangangailangan ng ating mga kapatid na Manilenyong Muslim. Gagawa si Lopez ng mga programang makakatulong, lalo na sa pagnenegosyo.
Nagpahayag rin ng mensahe si Atty. Lopez sa mga kapatid na Muslim. Aniya, “sa ngalan ni Allah, ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain, nawa mapasainyo ang kapayapaan at pagpapala sa banal na buwan ng Ramadan.”
“Nakikiisa ako sa ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr at hudyat ang araw na ito ng bagong simula pagkatapos ang isang buwan na pag-aayuno. Naipakita niyo ang inyong matibay na pananampalataya.”
Ayon pa kay Lopez, na magdala nawa ng bagong buwan ng kaligtasan, kalusugan, at kaginhawahan sa ating sambayanan.
Sinabi pa ni Lopez, na nawa magsilbing inspirasyon ang pagdiriwang na ito na lalong ipagpatuloy ang magandang gawain sa kapwa. Sikapin natin na gumawa ng isang masiglang komunidad na mangunguna sa pagsulong ng makataong kaunlaran.
Umaasa rin si Lopez na magiging simbulo ng kapayapaan, pagkakaisa at pagbangon ang panahong ito para sa progresibong hinaharap.
“Magtulungan tayo at magkaisa para sa mabuting hangarin sa ating lungsod at bansa. Kasama ko kayo sa pagbuo ng isang maunlad, mapayapa at matiwasay na pamumuhay,” wika pa ni Atty. Alex.
‘Eid Mubarak!’, pagtatapos ni Lopez.