Advertisers
ISA sa mga nabubulok sa kulungan ngayon dahil sa paggiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga hari ng droga sa buong Pilipinas ang anak ng kongresista ng Caloocan na si Egay Erice.
Tiklo ng mga awtoridad si Egay Erice Jr. sa isang buy bust operation na isinagawa ng mga Philippine National Police sa Park Mansion sa Lungsod ng Pasay. Kasama ring naaresto ni Erice sa nasabing buy bust operation ang isang nagngangalang Rafael Alberto alyas “Biboy”.
Sa salaysay ni PO2 Tagay, mismong si Erice ang nag-abot sa kanya ng sachet na naglalaman ng shabu noong nagkunwari siyang buyer ng ipinagbabawal na gamot.
Matagal na rin umanong minamanmanan ng kapulisan si Erice dahil isa ito sa mga kilalang nagbebenta ng shabu sa Caloocan partikular na sa ikalawang distrito kung saan kongresista ang kanyang ama na diumano’y nagsisilbing protektor ng kanyang anak.
Sa pagkakakalaboso ng batang Erice, ang naging pangunahing tagapagtanggol nito ay si Atty. Jose Isagani Gonzales, kapatid ng isa sa pinagkakatiwalaang staff ni Congressman Erice na si Atty. Dick Gonzales.
Ilang beses ring nagpetisyon ang kampo ni Erice upang mag-piyansa ngunit paulit-ulit itong tinabla ng korte dahil sa matibay na ebidensya laban sa kanila.
Sa kasalukuyan ay apat na taon nang nasa loob ng kalaboso si Erice habang ang ama naman nito ay patuloy na hindi nagbibigay ng komento hinggil sa isyu ng droga na kinasasangkutan ng kanyang anak.
Matatandaang kabilang sa mga naging pangunahing target ng Oplan Tokhang ni Pangulong Duterte ang mga drug lord at pulitiko na sangkot sa droga.