Advertisers

Advertisers

EX-MAYOR BELEN FERNANDEZ, KINASUHAN SA OMBUDSMAN!

0 680

Advertisers

DAGUPAN CITY — Nahaharap ngayon sa kasong kriminal si dating Dagupan City Mayor Belen Fernandez dahil sa kurapsyon.

Sa reklamong isinampa sa Ombudsman, sinabi ng complainant na nilabag ni Fernandez ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act nang gumasta ang lungsod ng P5.6 million para sa pagpapatayo ng isang gusali sa isang lote na hindi naman pag-aari ng lungsod.

Tinanggap ng Ombudsman for Luzon ang reklamo ngayong araw, Mayo 4, 2022.



Ang lote ay donasyon para sa lungsod na tinanggap ni Fernandez noong July 13, 2018.

Bago pa man mailipat sa lungsod ang titulo ng lote, agad sinimulan ni Fernandez ang pagtatayo ng isang roof deck evacuation center na nagkakahalagang P16.9 million.



Subali’t noong November 2019, nadiskubreng nakasanla pala ang lote sa Land Bank of the Philippines sa halagang P8.39 million, dahilan kung bakit hindi nailipat sa lungsod ang titulo ng lote.

Dahil dito, ipinatigil ng City Engineer’s Office ang construction ng gusali.



Sa audit observation memorandum noong January 3, 2020, sinabi ng Commission on Audit na nagpabaya si Fernandez sa kanyang tungkulin dahil sa hindi niya pagtiyak na malinis ang titulo ng lote bago siya nagtayo ng gusali at nagsayang ng pera ng pamahalaan.

Kapag napatunayang nagkasala, si Fernandez ay maaaring makulong ng mula isa hanggang 10 taon, at hindi na maaaring maglingkod pa sa anumang public office.