Advertisers

Advertisers

Data scientist: Robredo panalo sa Mayo

0 318

Advertisers

IDINEKLARA ng data scientist na si Roger Do na mananalo si Vice President Leni Robredo kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa karera sa pagkapangulo.

“I am projecting the winner in the 2022 Philippines presidential election to be Leni Robredo by at least 4 percent of the total votes,” wika ni Do sa isang blog na naka-post sa Auto Politic.

Ibinatay ni Do ang kanyang prediksyon sa social intelligence tracking na kanyang ginawa kasama ang ADDS Sentiment Analysis sa nakalipas na limang buwan.



“We have also used other social media platforms and Google to confirm the direction of the campaigns, but Facebook is the primary source of data for the final call and the precision,” paliwanag ni Do.

Batay sa bagong dato mula sa ADDS Sentiment, sinabi ni Do na nakakuha si Robredo ng pinakamataass na engagement score na 7.46 milyon mula Abril 21 hanggang Mayo 4, o 22-porsiyentong pagtaas. Malayo naman si Marcos na may 4.69 million.



Sinabi ni Do na ginagamit ang datos mula sa engagement para maunawaan ang epekto ng mensahe ng mga kandidato sa mga botante.

Matapos pumangalawa kay Marcos noong Pebrero, humataw si Robredo noong Marso kung saan nakakuha siya ng 8 milyong engagement kumpara 7.5 milyon ng katunggali.



Maliban sa prediksiyon ni Do, nakikita rin ng Google Trends ang panalo ni Robredo sa darating na halalan sa Mayo 9 matapos mapanatili ang lamang kay Bongbong.

Ilang araw bago ang halalan, angat pa rin si Robredo sa Google Trends na may 55 porsiyento kumpara sa 24 porsiyento ni Marcos.