Advertisers

Advertisers

UNITED SENIOR CITIZENS PARTY-LIST TINIYAK ANG KAPAKANAN NG LAHAT NG SENIORS SA BANSA

0 564

Advertisers

“SA malapit na hinaharap ay tatanda ang populasyon ng Pilipinos o ‘yung tinatawag na aging population, subalit marami pa ding pasilidad at serbisyo na hindi pa bukas sa publiko”

‘Yan ang isa sa mga isyu na binigyang diin ng pangalawang nominado ng United Senior Citizen (USC) Party-list at aniya’y bumabagabag sa kanyang Partido.

Sa pahayag ni Rolleo Ignacio ng USC sa isang talakayan sa media, patuloy umanong lumlobo ag bilang ng mga tinaguriang “older people” or senior citizen sa bansa at dapat itong pagtuunan ng pansin ng pamahalaan.



Ayon kay Ignacio kinakaliangan maglatag ng malinaw na programa at proyekto ang susunod na administrasyon bilang paghahanda sa pagtanda o pagyabong ng populasyon.

Tiniyak ni Ignacio na isa din ito sa mga batas na babalangakasin at programang kanilang inhahain sa Kongreso upang tiyakin na ang mga seniors ay magkakaroon ng kaukulang gabay, suporta, serbisyo at proteksyon sa hinaharap.



Ani pa ni Ignacio, ang mga senior ay may malaking tungkulin at bahagi sa pagunlad ng bansa sapagkat kabilang sila sa mga bumubuo ng lupong mangagawa na may malaking ambag sa ating ekonomiya.

Naniniwala ang USC na marami pang dapat gawin ang Kongreso at mga mambabatas upang lalong maisulong ang kapakanan ng mga older people.



Dagdag pa niya, hindi sapat ang mga priblehiyo, serbisyo at benepisyo na iniuukol ng pamahalaan sa mga senior citizens, lalo na nitong nagdaang 2 taon kung saan karamihan sa biktima ng pandemya at senior citizens.

Bagamat kinilala at pinasalamatan ni Ignacio ang kasulukuyang administrasyon sa mga ambag nito sa pagsulong ng Karapatan ng seniors, marami pa din ang dapat asikasuhain.

Ilan sa mga nais nilang isulong ay ang universal pension plan na naglalayong magbigay serbisyo at benepisyo sa lahat ng senior citizens sa buong bansa mask isa mga seniors na nakaangat ang estado.

Sa umiiral na istraktura, tanging mga seniors lamang na nabibilang sa poorest of the poor ang tumatangap ng benpisyo.

Sa kasalukuyan,hindi lahat ng senior citizen ay natatamasa ng serbisyo at benipisyo ng dahil isa ibat ibang kadahilanan.

Kayat nanaWAGAN SI Ignacio sa lahat ng pamilya, mangagawa, maging kabataan at lalot higit sa mga senior citizens na tangkilin ang USC at tinitiyak nito na magkakaroon ng tunay na representasyon at boses ang mga matatanda hindli lamang sa sangay ng pamahalaan bagkus sa lahat ng antas ng lipunan.

“Ako bilang isang senior citizen ay batid ang pangangailangan ng aming hanay, lahat po tayo ay papunta sa estadong ito ng buhay kayat marapat na paghandaan, paglaanan ng kaukulang benepisyo, proteksyon, at paggalang ang ating mga seniors dahil kung wala sila ay wala tayo.”