Advertisers
SINABI ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nakahanda na ang ekonomiya ng Pilipinas sa pagbabalik nito sa pre-pandemic level habang tuluyang binubuksan ang bansa lalo na sa sektor ng pagbiyahe at turismo.
Ayon kay NEDA Secretary Karl Kendrick Chua, nilagdaan na ang executive order kung saan nakasaad ang “ten-point policy agenda” ng pamahalaan.
Layon nito na mapabilis ang pagrekober ng ekonomiya ng bansa mula sa naging epekto ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pagluluwag ng restriksyon at pagpapabilis ng vaccination program.
“Executive Order (EO) No. 166, signed a few weeks ago, fully opens the economy, and we are working on getting tourists back [and] getting travel back to as normal as possible,” sinabi ni Chua.
Noong Abril, iniulat ng Department of Tourism (DoT) na mahigit 200,000 foreign tourists ang bumisita sa bansa matapos na buksan ang border noong Pebrero.