Advertisers

Advertisers

Dagdag honoraria sa poll workers ‘approved in principle’ na – Comelec

0 289

Advertisers

‘APPROVED in principle’ na ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang panukalang pagkalooban ng karagdagang honoraria ang mga poll workers na kinailangang mag-overtime noong May 9 national and local elections.

Sa Laging Handa public briefing nitong Lunes, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na napag-usapan na nila sa Comelec en banc ang pagkakaloob ng karagdagang honoraria sa mga guro at support staff na naitalaga sa mga presinto kung saan nagkaroon ng aberya ang mga vote counting machines (VCMs) at SD cards.

Aniya pa, ang inaalam na lang nila sa ngayon ay kung anu-ano at saan nagkaroon ng sira o diperensya ang mga makina kaya’t napilitang mag-extend ng oras ng pagseserbisyo ang mga guro at electoral board members sa mga presinto.



Una nang sinabi ni Garcia nitong Linggo na nasa P20 milyong budget ang ilalaan nila para sa karagdagang honoraria.

Sinabi naman ni Comelec acting spokesperson Rex Laudiangco na ang ispesipikong halaga ay ibabase sa accounting at auditing rules.



Ipinaliwanag rin ni Garcia na hindi lamang ang mga guro ang kinakailangang bigyan ng dagdag na honorara kundi maging ang mga nagsilbi na mga support staff at mga technicians sa mga nasabing presinto.

Aniya pa, kinakailangang pantay-pantay ang kanilang matatanggap na karagdagang honoraria. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">