Advertisers

Advertisers

6 illegal e-sabong websites na patuloy na nag-ooperate tinukoy ng PNP

0 348

Advertisers

PINAIGTING ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya kontra E-sabong sa kabila ng pagpapatigil sa operation nito.

Ito ay matapos na matukoy ang 6 na website na patuloy na nag-ooperate matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil ng operasyon ng E-sabong.

Ayon kay MGen. Valeriano De Leon, Director for Operation, ipinag-utos na ni PNP-OIC LtGen. Vicente Danao sa lahat ng mga Commander na paigtingin ang kampanya kontra iligal na operasyon ng E-sabong.



Binalaan naman ni De Leon ang lahat ng mga miyembro ng PNP personnel na maaring maharap sa mga patong-patong na kaso at masibak sa serbisyo sa sandaling masangkot sa operasyon ng iligal na E-sabong.

Tinukoy ang 6 na online sabong website na pinassabong.live; pclive1.com; sabong-express.net; phbetting.live; goperya.com; phbet44.bet; phbet.bet; phbetr.bet. na patuloy ang iligal na operation.



Sinabi ni De Leon na nagsasagawa na ng cyberpatrolling ang PNP Anti-Cybercrime Group at pagsasagawa ng case build-up at pakikipag-ugnayan sa service provider upang matukoy ang pagkakakilalan ng mga nag-ooperate ng 6 na natukoy na illegal E-sabong site.

Hiniling na rin ng PNP sa social media provider para maalis na ang natukoy na mga illegal sabong site.



Magugunita na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil ng operasyon ng E-sabong matapos na aprubahan ang rekomendasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na itigil ang operasyon ng e-sabong noong May 3, 2022 dahil sa pagkakakalulong ng maraming Filipino sa nasabing sugal. (Mark Obleada)