Advertisers
NANGAKO si President-elect Ferdinand Marcos Jr. na makikipag-usap sa China ukol sa isyu sa West Philippine Sea (WPS) pero wala umano itong isusukong teritoryo ng bansa.
Binigyan-diin ni Marcos na ang soberanya ng bansa ay sagrado at hindi maaaring ikompromiso sa anumang paraan.
“We will not allow a single square I’ll even make it smaller a single square millimeter of our maritime coastal and up to 200 kilometer rights to be trampled upon,” sabi ng incoming president.
At paano umano ito magagawa: “We talk to China consistently with a firm voice and we say that… hindi naman natin pwede gerahin, ang gusto ba natin gawin ngayon manggegera pa tayo ngayon, papasok pa tayo sa gera that’s the last thing we need right now.”
Iginiit ni Marcos ang pamamangialam na pag-usapan ang isyu ng WPS at huwag hayaan na lumala ang tensyon doon.
“We also have to continue to pursue bilateral contact and communication with China,” dagdag pa nito. (Josephine Patricio)