Advertisers

Advertisers

Medical insurance bilang requirement sa face-to-face class tinanggal na

0 209

Advertisers

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagbasura ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa medical insurance requirement para sa mga estudyante na mag-e enroll para sa limited face-to-face classes sa kolehiyo.

Ito ang inihayag ni Deputy Presidential Spokesman at PCOO Undersecretary Kris Ablan sa isang press briefing sa Malacañang.

“Inaprubahan na ng IATF base sa rekomendasyon ng Commission on Higher Education ang pag-repeal sa medical insurance ng mga estudyante na nakasaad sa CHED-DOH joint memorandum circular 2021-004,” ani Ablan.



Magugunitang inilabas ng IATF at CHED ang polisiya para sa limited face-to-face classes sa kolehiyo sa harap ng nananatiling banta ng COVID-19.

Ang mga estudyanteng 21 pababa ay maaaring mag-register sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) para maka-avail ng insurance habang ang mga 21 pataas ay kailangang kumuha sa pribadong insurance agencies.



Ang polisiyang ito ng IATF at CHED ay mariiing kinundena ng mga college student dahil dagdag gastos ito para sa kanila. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">