Advertisers

Advertisers

Tirador ng toilet flush valves sa NAIA

0 365

Advertisers

PAMBIHIRANG grupo ng mga kawatan ngayon ang umaaligid sa loob at labas ng paliparan. Toilet flush valves ang ninakaw ng mga ito sa loob mismo ng ladies public comfort room sa dalawang terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Ipinag-utos ni Airport Police chief, Col. Adrian ‘Joey’ Tecson, na magtalaga ng airport police investigators upang masusing imbestigahan ang nakawan ng toilet flush valves, kungsaan 5 piraso ang binaklas sa NAIA Terminal 2 at dalawa sa Terminal 1.

Nagkakahalaga ang toilet flush valves ng P4,000 hanggang P6,200 bawat isa. Galing pa ito sa Estados Unidos.



Naalarma ang airport authorities nang makatanggap ng reklamo mula sa ilang pasahero at empleyado na wala silang magamit na tubig na pambuhos ng ‘dumi’ kungsaan ay ginagamitan lamang ng flush valve.

Hinala ng mga otoridad, sinasamantala ng mga kawatan ang pag-alis ng building attendants na naka-duty sa palikuran at doon tatanggalin nila ang flash valves gamit ang adjustable wrench saka ilalagay sa bag.



Noong nakalipas na buwan ng April 2022, ninakaw ang 5 flush valves sa Terminal 2, at agad nasundan ng dalawa pa ngayong buwan sa Terminal 1.

Nagtataka naman ang pamunuan ng Airport Police Department (APD) kung bakit nagkaroon ng nakawan sa mga palikuran gayung 24 oras nagbabantay ang mga itinalagang guwar-diya sa loob at labas ng airport.



Duda ang pulisya na ‘inside job’ ito dahil hindi maglalakas loob ang magnanakaw na pumasok sa loob ng comfort kung walang ‘go signal’ mula sa ilang empleyado.(Jojo Sadiwa)