Advertisers
PATAY ang isang barangay kagawad at sugatan ang isa pa nang pagbabarilin ng ‘di pa nakilalang salarin habang nagsasagawa ng clean up drive sa Candelaria, Quezon.
Kinilala ang nasawi na si Brgy. Kagawad Mario Mendoza, 59 anyos; habang nilalapatan ng lunas sa Peter Paul Medical Center si Danilo Evangelista, 57, tanod, kapwa taga Brgy. Masalukot III, Candelaria, sanhi ng tinamong tama ng bala sa binti.
Sa report, 9:00 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa Sitio Tangke, Brgy. Masalukot III. Habang abala ang mga biktima sa pagbubunot ng mga damo nang dumating ang mga salarin, nilapitan si Mendoza at pinatukan ng ilang beses. Tinamaan naman ng ligaw na bala sa binti si Evangelista.
Mabilis na tumakas ang mga salarin, habang kapwa isinugod sa pagamutan ang dalawa kungsaan binawian ng buhay si Mendoza.(Mark Obleada)