Advertisers

Advertisers

Nambugbog sa MMDA enforcers pinasusuko

0 258

Advertisers

UMAPILA ang isang opi-syal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA sa mga nambugbog sa dalawang enforcers na sumuko na at panagutan ang kanilang ginawa.

“Kung ako sa inyo sumuko na kayo. Huwag nyo nang palalain pa ang kaso nyo at situwasyon nyo. Yun lang,” ang post ni Col. Edison Nebrija sa kanyang Facebook account.

Si Nebrija ang namumuno sa MMDA Task Force Special Operations at Anti-Colorum Unit.



Sa viral video, mapapanood na kinuyog ng husto ang dalawang MMDA enforcers ng isang grupo ng mga lalaki Linggo ng hapon.

Nabatid na kabilang ang dalawang biktima sa nagsasagawa ng operasyon laban sa mga e-bike na bumibiyahe sa EDSA.

Nagsimula ang tensyon nang masita ang isang residente ukol sa nakaparada niyang e-bike at nang maisakay na sa truck ang e-bike ay nagkagulo na.

Agad na isinugod sa ospital ang nabugbog ng husto na dalawang enforcers.

Nakilala na ang ilan sa mga nambugbog na pinaghahanap na ngayon ng pulisya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">