Advertisers

Advertisers

5 NASAWI, 2 MISSING SA TRAHEDYA SA DAGAT

0 327

Advertisers

APAT na mangingisda ang nasawi, 45 ang nailigtas at isa ang patuloy na hinahanap ng mga kagawad ng Philippine Coast Guard nang lumubog ang isang fishing banca na F/BCA Gra Twin Sisters na may lulang 50 crews noong Huwebes (June 23) malapit sa shoreline ng Barangay Saysain, Bagac, Bataan.

Sa ulat ng PCG, dumating din sa lugar ng pinaglubogan ng fishing banca ang BRP Malabrigo (MRRV-4402) para tumulong sagipin ang mga nakaligtas na crew members at marekober ang lumubog na banca, habang nagsagawa din ng aerial search operation ang eroplanong CGH-14 ng PCG.

Nagpaalala naman ang Search and Rescue team ng Coast Guard sa mga mangingisda na agad ipaalam sa kanila kung meron matagpuang nawawalang crew ng nasabing fishing vessel.



Samantala, isa ang patay at isa ang nawawala habang 163 pasahero ng motor banca na MBCA Mama Mary Chloe na nasunog habang bumibiyahe ga-ling ng bayan ng Ubay, Bohol patungo ng Bato sa Leyte nitong Linggo (June 26, 2022).

Sa inisyal na report ng PCG, may sakay na 8 tripulante at nasa 157 pasahero ang motor banca nang biglang sumiklab ang apoy sa barko sa katubigan ng Bohol. Dahil sa takot, naglundagan sa dagat ang mga pasahero na nakapagsuot ng life jacket.

Naging mabilis naman ang pag-rescue sa mga pasahero, kungsaan tumulong ang mga nagdaraan na iba pang motor banca na nakakita sa insidente.

Dinala na sa Port of Hilongos sa Leyte ang 99 pasahero at 25 ang dinala sa bayan ng President Padre Garcia sa Bohol, habang ang karamihan sa survivors ay nakauwi na sa kani-kanilang tahanan.

Nagpapatuloy pa ang search and rescue (SAR) ng BRP Cab-ra (MRRV-4409) katuwang ang PCG Sub-Station ng Bato sa mga nawawala pang pasahero.(KOI LAURA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">