Advertisers
Nahulog ang dalawang menor de edad mula sa isang hanging bridge sa Talisay City, Cebu nitong Linggo.
Sa ulat, nahulog ng 10 feet mula sa tulay ang mga biktimang edad 10 anyos at 14 anyos.
Ayon sa mga nakakita ng pangyayari, naligo ang mga bata sa ulan.
Nang pabalik na sila at nasa tulay, biglang bumigay ang tension cable na nagsisilbing suporta rito.
Ayon sa report, maraming bata ang nasa tulay noon nguni’t nakatakbo ang iba.
Nasagip ang dalawang batang nahulog at ngayon nasa mabuting kalagayan na sila.
Nangako naman ang mga opisyal ng local government unit na aayusin ang tulay sa loob ng isang buwan.