Advertisers

Advertisers

Titser, 27 beses bagsak sa LET bago pumasa

0 570

Advertisers

HINDI sumuko sa kanyang pangarap ang isang guro na kahit 27 beses na siyang bumagsak sa board examination.

Kinilala ang gurong ‘di bumitiw sa kanyang pangarap na si Lino Adrales, tubong Samar.

Ayon sa ulat, nitong Enero 2022 Licensure Examination for Teachers (LET) lamang pumasa si Adrales.



Ang LET ngayong 2022 ang pang-28 subok niya sa board exam, dahil bumagsak na siya ng 27 beses.

“Parang sinakluban ako ng langit sa hiya sa mga tao,” kwento ni Adrales. “Here comes second take. Review again, but failed. The third time, failed again, and so on and so forth.”



“That time, parang hinayaan ko na na ‘di na ako nakakapasa. At parang wala na lang sa akin,” dugtong pa niya. “Ang nasa isip ko, ‘Sige, this time, take nalang nang take ng exam.’”

Isa rin sa mga nakaapekto sa pagre-review ni Adrales sa mga nauna niyang board exam ang pagsasabay ng review at trabaho.



“Ayaw ko po matulad sa mga circle of friends ko na tumanda na lang pero ‘di nakapasa,” wika ni Adrales.

“Sabi ko nga pasasaan at mapapagod din si PRC at ipapasa ako,” pahayag pa ni Adrales. “To quit is not my option.”

Nagbunga naman ang hindi pagsuko ni Adrales at kabilang siya sa 8,737 na pumasa sa elementary level ng LET noong Enero.

Ngayon, isa ng Grade 1 teacher na si Adrales sa Tizon Elementary School sa Tarangnan, Samar.