Advertisers

Advertisers

ABOGADO PUMALAG SA P20K MULTA SA NCAP, TAKBO SA KORTE SUPREMA!

0 239

Advertisers

NAGHAIN ng petisyon sa Supreme Court (SC) ang isang abogado upang ipahinto ang ‘No-contact apprehension policy’ (NCAP) nang umabot sa mahigit P20,000 ang binayaran nitong multa sa traffic violations sa Maynila.

Hinimok ni Atty. Juman Paa sa kanyang petisyon ang SC na ideklarang “unconstitutional” ang Manila City Ordinance 8676 series of 2020.

Habang nakabinbin pa ang kaso, hiniling niya sa SC na maglabas ng restraining order laban sa pagpapatupad ng NCAP.



Sinabi ni Paa, dahil hindi siya nakatanggap ng mga ‘notice of violation’, hindi dapat siya patawan ng mga penalty at surcharge.

Ayon pa kay Paa, nalaman lamang niya ang apat na beses na paglabag niya sa ‘Obstruction of the Pedestrian Lane’ (May 26, 2021; June 3, 2021; June 8, 2021 at July 12, 2021) nang sabihin sa kanya ng Land Transportation Office (LTO) na hindi niya maaaring irehistro ang kanyang sasakyan hangga’t hindi binabayaran ang kanyang multa.



Lumabas sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na ang mga notice of violation niya ay naipadala sa Taguig sa halip na sa bahay niya sa Maynila.

Binayaran parin ni Paa ang kanyang multa na nagkakahalaga ng P13,000 kasama ang interes at dagdag na singil na nagkakahalaga ng P7,360 o kabuuang P20,360, mas mataas kumpara sa lahat ng parusang itinakda ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">