Advertisers

Advertisers

Bea at Alden kinakabog na sa pagpapalabas ng pagtatambalang serye; AJ naiyak sa unang pag-arte ng utol na si Ace

0 384

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HALOS sabay na pinanood ng mga bida sa Pinoy adaptation ng South Korean hit serye na “Start Up” na ipalalabas na sa susunod na buwan, na sina Alden Richards at Bea Alonzo, ang kauna-unahang pagpapalabas sa ere ng official 30 seconders teaser nito.
Habang pinapanood ng dalawa ang naturang teaser ay kapwa aminado ang mga ito na bigla silang nakaramdam ng pressure. Kahit pa sabihin na may kakaibang chemistry na hatid ang kanilang tambalan at ang lakas makakilig.
“The pressure is on us and that’s why extra efforts ang lahat-lahat, as in double time sa trabaho,” say ni Alden.
Samantala, super kilig ang naramdaman ni Bea , gayunpaman ay inamin ng magaling na aktres na andun ang kaba sa kanyang dibdib habang pinapanood ang teaser.
“Excited na ako, ha ha ha, pero andun ang kaba, kinakabahan din talaga ako. I hope we dont dissappoint our viewers,” say naman ni Bea.
Kung pressure si Alden, mas si Bea dahil first serye niya ang “Start Up PH” bilang isang Kapuso and all eyes on her sa kalalabasan ng kanilang serye ni Alden.
***
UNANG sabak ni Ace Raval, ang anak ng dating action star na si Jeric Raval at kapatid na panganay na lalake ni AJ ay sa mundo ng musika.
Isa kasi siyang hip hop artist. Pero dahil nasa dugo nila ang pag-aartista ay sumabak na rin si Ace sa mundo ng showbiz, at ang unang pelikula na ginawa niya ay kasama pa ang younger sister na si AJ, ang “Sitio Diablo”, isang action thriller movie na tumatalakay sa magulong mundo ng mga gangster at ang kanilang pakikibaka para sa grupo. Others in the cast of “Sitio Diablo” are Kiko Estrada, Joko Diaz, Benz Sanggalang, Pio Balbuena, Cean Jr., Because and Just Hush. Streaming starting this Aug. 29 sa lahat ng Vivamax streaming Apps.
Tsika ngang mas kabado si AJ kaysa sa kapatid noong kunan ang unang eksena nito.
“First day ng shoot ng scenes niya, I made it a point na nandu’n ako. Present ako sa harap niya at pinapanood ko siya. Kasi nu’ng first time ko rin mag-eksena, naalala ko siya sobrang pressured, naiyak ako,” say ni AJ.
Hindi naman kaya naiilang si AJ na may kasama siyang kapamilya sa isang movie?
“‘Iba ‘yung may kasama kang family mo sa pelikula. May mga eksenang gumaan tulad ng mga iyakan. Ginagamit ko ‘yung mga iyakan na eksena,. ‘Pag kailangan kong mag-internalize, yakap lang ako sa kanya at tuloy tuloy na ang iyak ko,” say pa rin ni AJ.
Samantala, inamin ni Ace na naging malaking tulong sa kanya ang gabay ng kanyang kapatid na si AJ at amang si Jeric.
“Maging kalmado lang ang advice nila sa akin. Medyo mahirap po sa akin ang magbitaw at magkabisa ng lines pero kayang-kaya ko na po kapag nasa harap na ako ng kamera,” ani Ace.