Advertisers

Advertisers

5 dinukot at pinatay ng NPA, nahukay

0 259

Advertisers

NAHUKAY ng mga awtoridad ang magkakapatong na mga labi ng lima katao na pinaniniwalaang pinatay ng New People’s Army nitong nakaraang taon sa Santiago, Agusan del Norte.

Sa ulat, nahukay ang mga labi sa isang liblib na lugar sa Sitio Baraboto, Barangay Curva.

Ayon sa mga awtoridad, hinihinala na ang mga biktima ay dalawang miyembro ng CAFGU at tatlong sibilyan na pinaniniwalaang pinatay at inilibing ng mga miyembro ng NPA.



Inabot ng mahigit apat na oras ang paghuhukay bago nakuha ang mga labi ng mga biktima na magkakapatong at nakabalot sa tela ng duyan.

Ayon sa militar, natukoy ang pinaglibingan ng mga biktima sa tulong ng isang dating miyembro ng NPA na sumuko sa gobyerno.



Inihayag naman ng mga pulis na mga residente ng Carmen, Surigao del Sur ang mga biktima.

Napag-alaman na umalis sila sa kanilang lugar noong May 3, 2021 upang maghanap ng puno ng lapnisan o agar wood na kanilang ibinebenta. Pero hindi na nakauwi sa kani-kanilang bahay ang mga biktima.



Base sa imbestigasyon, dinukot sila ng mga NPA nang pumasok sa Barangay Lobo, Cantilan, Surigao del Sur.

Ang mga biktima pa umano ang pinaghukay ng kanilang libingan, ayon sa pulisya.