Advertisers

Advertisers

DRILON SA KONGRESO: P9.3B INTEL AT CONFIDENTIAL FUNDS NG MARCOS ADMIN BUSISIIN

0 212

Advertisers

HINIMOK ni dating Senate President Franklin Drilon ang Kongreso na tingnang mabuti ang Congress to take a closer look at President Ferdinand Marcos Jr.’s P9.3 billion confidential and intelligence funds (CIFs).

“I urge Congress to look at this very carefully. The basic rule is transparency. Hence, each agency should justify why it has to unfollow this rule through the use of the CIFs,” pahayag ni Drilon sa panayam ng TeleRadyo noong Huwebes, November 10.

Ang panawagan ni Drilon ay sumakto sa pagkakaapruba ng mga senador sa P4.5-bilyong CIF ng Office of the President. Ang natitirang mga CIF ay mapupunta sa iba pang ahensya ng gobyerno, tulad ng Office of the Vice President at Department of Education.



Ayon kay Drilon, hindi regular na marerebyu at masuri ng Commission on Audit ang mga CIF dahil dadaan sa closed envelope system ang liquidation ng mga pondo. Ibig sabihin ay hindi makita ng publiko kung saan napupunta ang pondo.

Dagdag pa ni Drilon, nag-aalala siya na baka maging standard practice na ito sa mga susunod na taon.



“Tinitingnan ko itong kasaysayan ng intelligence fund, kapag nagkaroon ka ng intelligence fund sa taong ito, ang sasabihin mo sa susunod na taon na kailangan mo ulit iyan,” ani Drilon.

Pahayag ni Drilon, ang mga ahensya tulad ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at National Intelligence Coordinating Agency ay nagbibigay na ng kinakailangang intelligence gathering, kaya ang mga opisinang tulad nila ang dapat makakuha ng CIFs.



“Huwag naman nating pabayaan. Kung hindi mo papansinin ito, lalong lalaki iyan. Ganyan ang ating experience in my 24 years in the Senate. Tungkulin ng Kongreso na i-examine ang budget at ilagay ito sa tama,” saad pa ni Drilon.