Advertisers

Advertisers

2 EMPLEYADO NG BIR, 2 PA TIMBOG SA KOTONG

0 251

Advertisers

ARESTADO sa entrapment operation ang dalawang empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at kanilang dalawang kasabwat sa pangongotong ng pera sa isang business owner sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan Police chief, Colonel Ruben Lacuesta, ang mga naaresto na sina April Claudine Dela Cruz, 30 anyos, Data Controller II, Assessment Division, BIR District 5 Caloocan, at residente ng Garden Village, Sta Maria, Bulacan; Joyet Alvero, 55, Admin Assistance Officer, BIR District 5, ng Burgos St. Concepcion, Malabon City; Jennifer Roldan, 49, liasson officer ng Cruz St. Bambang, Taguig City; at Ariel Roble, 46, book keeper, ng Legarda St. Sampaloc, Manila.

Nadakip ang tatlo ng mga operatiba ng Caloocan Police Station Intelligence Section at PNP Intelligence Group nang tanggapin ang P1.8 milyon marked money sa entrapment operation 10:30 ng gabi sa Gen. Concepcion St., Barangay 132, Bagong Barrio.



Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Gen. Jonnel Estomo, bago ang entrapment operation, sinabihan ng mga nadakip ang may-ari ng Panel Board Fabrication sa Brgy. Potrero, Malabon City na mayroon siyang tax liability na P13 milyon.

Sinabi ng mga ito sa business owner na mababawasan lang ang kanyang tax liability kung makakapagbayad ito ng P4.5 milyon hanggang sa mag-settle sila sa P3 milyon.



Disyembre 2, 2022, nagbayad ang business owner ng paunang P1.7 milyon cash, ngunit walang ibinigay na resibo ang tatlo, nag-udyok sa kanya na humingi ng tulong sa pulisya.

Sinampahan ang dalawang tauhan ng BIR ng ‘robbery extortion’ at paglabag sa Section 17 of R.A. 6713 (Code of Ethical Standards for Public Officials and Employees), at ang dalawang kasabwat ay kinasuhan ng ‘robbery extortion’ sa Prosecutors Office.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">