Advertisers
NASAWI ang dalawang kawani ng Department of Agriculture (DA) Cordillera at malubhang nasugatan ang kanilang driver nang salpukin ang kanilang sinasakyan ng isang sasakyan sa kahabaan ng national highway sa Barangay Bugallon Proper, Ramon, Isabela.
Kinilala ang nasawi na sina Karen riones at Addison Kyle La-ao; habang sugatan ang kanilang driver na si Tommy Timoteo.
Sa ulat, sakay ang mga biktima ng closed-wing van ng DA-CAR na may kargang mga sako ng bigas nang salpukin ng isang kotse mula sa likuran, dahilan para mawalan ng kontrol sa manibela si Timoteo at sumalpok ito sa paparating na trailer truck.
Tumakas ang driver ng kotse na nakilalang si Allan Mark Barroza, 34, subali’t naaresto ito sa isang follow-up operation at nadiskubreng lasing ito sa alak.