Advertisers
NAGKASUNDO ang Bureau of Corrections (BuCor) at Commission on Human Rights (CHR) na magtalaga ng human rights officers sa prison facilities upang matutukan ang kondisyon ng mga person deprived of liberty (PDL).
Ang BuCor at CHR ay nagkaisa na magtulungan sa mga programa, polisiya, at pagsasanay sa human rights standards ng bawat ahensya.
Bukod dito, magpapatupad din ng special training course hinggil sa human rights norms, standards at principles, ang mga human rights officers at iba pang tauhan ng BuCor.
Susuriin din ang mga kasalukuyang polisiya at correctional practices ng BuCor upang matiyak na tumatalima ito sa standard at prinsipyo ng human rights.