Advertisers

Advertisers

Meralco may taas-singil sa kuryente ngayong Disyembre

0 221

Advertisers

MAGKAKAROON ng taas-singil sa kuryente ngayong buwan ng Disyembre ayon sa Meralco.

Ito ay kasunod ng pagtatapos ng isa sa apat na refund na ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ang singil sa kuryente ay tataas ng P0.33 kada kilowatt hour ngayong buwan.



Halimbawa ang isang household na komokonsumo ng 200 kilowatt hour asahan ang dagdag singil na P66 sa kanilang bill.

Para naman sa mga kumokonsumo ng 300 kilowatt hours may dagdag na P99, sa 400 kwh ay P132 at sa 500kwh ay P165.



Matatandaang una nang ipinag-utos ng ERC sa Meralco na i-refund ang halagang P13.8 billion sa kanilang mga customer sa loob ng 24 buwan o dalawang taon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">