Advertisers
Tinangay ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang mini-pison na nakaparada malapit sa Maharlika Highway noong Huwebes ng umaga, Disyembre 8, sa Brgy. Talisay, Quezon .
Sa report, pag-aari ng l.A. Bosque Construction Corp. ang naturang makina at naiulat itong nawawala 8:30 ng umaga.
Ayon kay company representative Ericson Dipasupil, nakaparada ang pison sa lugar noon pang Disyembre 1 dahil sa problema sa makina at isang Linggo nang inaayos.
Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na kinarga ito ng hindi pa nakikilalang mga lalaki sa isang puting elf boom truck.
Mabilis na tumakas ang nasabing trak patungo sa direksyon ng San Pablo City, Laguna.
Sa ulat, nagsasagawa na ng follow-up investigation ang otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.