Advertisers
INATASAN ng Department of National Defense (DND) ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na palakasin ang presensiya sa West Philippine Sea kaugnay ng report ng panibagong mga isinasagawang mga aktibidades ng China.
Ang kautusan ng DND ay base sa report ng Bloomberg kaugnay ng mga panibagong isinasagawang construction at reclamation ng China sa apat na area sa Spratly na Eldad Reef, Ehitsun Reef, Lankian Cay at Sandy Cay.
Ang Eldad at Whitsun Reef ay nasa 48 at 60 nautical mile ang layo mula sa Pag-Asa Island na nasa loob ng 200 nautical miles ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Batay sa DND, ang pananakop sa mga nasabing area ay isang malaking banta sa seguridad ng Pag-asa Island na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.
Isinaad din ng DND na ang mga isinasagawang aktididades sa nasabing mga lugar ay naglalagay sa panganib sa marine environment at katatagan sa Rehiyon.
“We strongly urge China to uphold the prevailing rules-based international order and refrain from acts that will exacerbate tensions in the WPS and the larger South China Sea,” base sa pahayag ng DND.
Magugunita na nagpahayag ng pagka-alarma si DND officer-in-charge Undersecretary Jose Faustino Jr. sa report ng pagdagsa ng mga barko ng China sa Iroquois Reef at Sabina Shoal sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Faustino na hindi mapipigilan ang Pilipinas sa pagsasagawa ng pagpapatrulya sa nasasakupan nitong teritoryo. (Mark Obleada)