Advertisers

Advertisers

Panukala ni Sen. Tulfo na lagyan ng CCTV ang lahat ng police stations ok sa PNP

0 156

Advertisers

SUPORTADO ng Philippine National Police (PNP) ang panukala ni Senador Raffy Tulfo na paglalagay o pagkakabit ng mga CCTV sa lahat ng mga Police Station at Detention Facilities upang maiwasan ang paglabag sa karapatang pantao.

Ayon kay Col. Jean Fajardo, PNP spokesperson, “maganda yung panukala na yun PNP naman is welcome doon sa mga panukala na ito na malagyan din ng mga CCTV yung ating mga police stations.

Ani Fajardo, pag-aaralan ito ng pamunuan ng PNP na maisama sa mga procurement program at maisama sa annual GAA.



Aminado si Fajardo na malaki ang maitutulong ng CCTV hindi lamang para bantayan ang mga kilos ng mga pulis kundi maging sa seguridad sa mga installations para sakaling may mangyaring insidente ay naka-record doon.

Magugunita sa privilege speech ni Tulfo noong Dec. 13, sinabi nito na maghahain siya ng batas na obligahin ang pagkakabit ng mga CCTV camera sa lahat ng mga Police Station at detention facilities.



Binigyan-diin nito na maraming nagaganap na pang-aabuso sa karapatang pantao sa mga Police Precint sa mga nahuhuli o naarestong indibidwal. Sa pamamagitan ng mga CCTV ay mapipigilan ang anumang mga pang-aabuso.

Isinaad din ni Tulfo na maraming krimen ang nalulutas sa tulong ng mga kuha ng CCTV kaya’t nais niyang maglagay din ng CCTV sa lahat ng mga Police Station at Detention Facilities. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">