Advertisers

Advertisers

Giannis susi sa panalo ng Bucks vs Wizards

0 164

Advertisers

NAGTALA si Giannis Anteto­kounmpo ng career-high na 55 points tampok ang 10 rebounds at 7 assists upang akayin ang Bucks sa 123-113 pagdispatsa sa Washington Wizards.

Tinapos ng Milwaukee (24-13) ang five-game winning streak ng Washington (17-22).

Nagrehistro si Anteto­kounmpo ng 40 points, 10 rebounds at 5 assists sa huling tatlong pagkakataon na naglaro siya.



Ang iba pang players sa NBA history na gumawa nito ay sina Elgin Baylor (1961 at 1963), Wilt Chamberlain (1963) at Russell Westbrook (2016) habang ang iba pang Bucks players na tumipa ng 40 points sa tatlong sunod na laro ay sina Flynn Robinson (1969) at Kareem Abdul-Jabbar (1972).

Umiskor naman si Kristaps Porzingis ng 22 points para sa Wizards at may 20 markers si Kyle Kuzma.



Sa Salt Lake City, ipinasok ni De’Aaron Fox ang isang driving layup sa huling segundo at tumapos na may 37 points para ihatid ang Sacramento Kings (20-16) sa 117-115 pagdaig sa Utah Jazz (19-21).

Naipasok ni Utah big man Lauri Markannen ang kanyang triple sa pagtunog ng final buzzer, ngunit binawi ito ng mga table officials sa huli.



Tumapos si Markannen na may 28 points, tampok ang perpektong 15-for-15 performance sa free throw line at may 24 markers si Fil-Am Jordan Clarkson.

Sa Oklahoma City, humataw si Josh Giddey ng season-high na 25 points para pamunuan ang Thunder (16-21) sa 150-117 paggupo sa NBA-leading na Boston Celtics (26-12).

Binanderahan ni Jaylen Brown ang Boston (26-12) sa kanyang 29 points kasunod ang 27 markers ni Jayson Tatum.