Advertisers
ARESTADO ang dalawang vendor nang mahulihan ng shabu sa checkpoint at nagtangka pang tumakas sa Brgy. Unang Sigaw,Quezon City Huwebes ng umaga.
Ayon kay PLTCOL. Mark Janis Ballesteros hepe ng Quezon City Police District station 3 Talipapa kinilala ang mga nadakip na sina Leo Miculob, 41, binata, vendor, residente ng Blk. 15, Lot 23, Brgy. Panghulo, Malabon City; at Flaviano Dollete, 25, may live-in partner residente ng Blk. 17, Lot 15, Karisma Street, Brgy. Panghulo, Malabon City.
Nabatid kay Cpl. Neil Christian Fresco investigator nadakip ang mga suspek sa kahabaan ng East Seervices Road, Brgy.Unang Sigaw, Quezon City 7:40 ng umaga.
Ayon kay Fresco, na nagsasagawa ng police checkpoint ang mga tauhan ng QCPD Station 3 Talipapa sa naturang lugar nang sitahin ng mga pulis ang mga suspek habang sakay ng motorsiklo.
Hinihingi ng mga pulis ang drivers license ng driver ng motorsiklo na si Miculob at nakita ang isang piraso ng transparent plastic sachet ng shabu sa drivers license nito.
Dahil dito nataranta ang mga suspek at nagtangka pa tumakas subali’t agad din nang harang at naaresto ng mga pulis.
Nakuha mula sa suspek ang tatlong piraso ng maliit na transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 0.5 gram na may street value na P3,400.00 .
Nakapiit ngayon ang mga suspek sa naturang himpilan at nahaharp sa kasong illegal drugs.(Boy Celario)